I’ll be Twenteen!!! Greet me! Greet me!
++++

Oh well, I just saw my birthday in the multiply calendar and that very fact means that as of today, I’m spending the LAST TWO WEEKS of my teenage life… Hay… The most colorful chapter of your life daw for majority. I had an idea before about making a scrapbook of my teenage life… hehe… pero nanatili iyong idea. I had materials na pero tinamad ako… haha… Oh well, I’ve just decided to list down the highlights ng isang napakulay na chapter ng aking buhay.
13 years old
* First day of high school. Siyempre, as usual, tahimik.. nagaantay ng kakausap sa akin and then bigla akong makakarinig ng mga katagang “ gosh, akala ko msungit ka!”… Oh well… haha
* First official cell phone. Siyang tunay! Sikat ako dahil naka-3210 ako noon at “Oooppps I did it again” pa ang ringtone ko! LOSERRR!
* 13 years old ako unang natutong magmura ng bulgar. Yeah. Yung mga simpleng Hay*p, G*go, T*rant*d*, ay sa ganoong edad ko natutunan.
* Sa ganitong edad din nagsimula ang aking dancing career noong ako ay umepal sa isang group na sasayaw sa Christmas Party to the tune of “Don’t Call Me Baby”… haha! Nadama kong nahirapan sila sa pagtuturo sa akin. Yeah!
* A.S.B.A. – until now ay hindi ko alam kung pwede nang sabihin yung meaning ng acronym nay an pero yan ang isang all-girl group na tinatag namin laban sa isang group na puro boys… hehe… kakamiss!
*Sir Gian – makakalimutan ko ba naman ang super crush ko noong high school ako na naging crush ko kasi magka-pangalan kami. Shallow noh? Haha… Hindi nmn, nakalaban kasi namin siya sa balagtasan at pareho kaming LAKANDIWA pero natalo namin sila kahit na 1st year pa lang kami at 3rd year na sila… hahaha…
14 years old
* Sophie na ako! AT maiksi na ang hair ko… Ito yung peak kung saan pinaka-sexy ako… Wala pa akong puson. Wahaha…
* Nai-post yung
tula ko sa bulletin board ng Filipino Club at magkatabi yung
tula namin ni Sir Gian. Hahaha.
* Una akong nagkablog… haha! Sa teen open diary pa ata yung blog ko… nakalimutan ko an yung url… hehe
*GSP. Yeah! My 1st year of being a Girl Scout.
* Sobrang na hone yung talent ko sa song interpretation, role playing at dancing na din… hehe… I’ve portrayed the role of Savitri sa “Savitri and Satyavan” and Laura sa “ Florante at Laura”. O diba? Bidabidahan ang lola niyo… May supporting role din naman ako ( Lama sa muslim Family at isang sexing reporter sa Ador Malumanay churva namin). Nakapag formulate kami ng steps sa song interpretation (Nais Ko) within 1 hour and 30 minutes at marami pa. And lastly, nakasayaw kami sa isang program ( EI by Nelly and Get your freak on by Missy Elliot) ng modern and xempz, unforgettable: SINGKIL! Hayy… kakamiss!
* I believe, 14 years old ako unang nagkaroon ng seryosong crush, pinaasa at nasawi sa isang taong hanggang ngayon ay hindi ko matanggap na naging crush ko, crush ng close close friend ko at halos naging crush ng buong barkada! Yeah!
* Pero 14 years old din ako unang nam-busted! Awww… friends naman kami ngayon at tinatawanan na lang namin ang ala-alang iyon. Hahaha…
*102901 – Whoah! 6 years na kami! Nung tinanggal kami sa A.S.B.A. , ito yung naging official berks namin… Each of us has different characteristics. May studious, may tamad, may seryoso, may clown, may patapon ang buhay, may pang beauty queen, may matured at may *ehem SEXY.
15 years old.
* Dito, nag level up yung scouting sa buhay ko. APL na kasi ako and dito ako unang nagmahal ng members, ng troop, nga mga officers at siyempre, ng kapwa scouts. Masaya din dahil ka-troop ko yung kapatid ko at kaming dalawa ang magkasabwat sa pagpapaalam kina mommy and daddy sa tuwing may mga troop meetings. Hehe…
* First Valentine’s DATE… Highlight ba ito? Eh bitter ako! Haha… period!
* PINAKA-MASAYANG FOUNDATION DAY NAMIN NI BEST FRIEND LYNEL. Hehe… Kaaway kasi namin yung 102901 and may hinuhunting si lynel na papable. Haha.
*NOLI ME TANGERE. Awww! Dito ko minahal si Ma’am Magbanua na hanggang ngayon eh sobrang namimiss ko.
* Intrams! Hahaha! Champions Kami sa CHESS at talo namin ang Seniors.
* Haha! Medyo bumalik ang singing career courtesy of Kuya Raul. Errr.. perstaym kong kumanta ng solo nung HS ( Pure Shores by: All Saints and Before I Fall In Love by Coco Lee). Kumanta din ako ng Total Eclipse of The Heart nung 3day camping… Wahahahah.
* Una din akong nakatanggap ng MAJOR DISAPPOINTMENT sa buhay ko. Hindi ko kasi nakuha yung desired designation ko sa scouting which is SENIOR PATROL LEADER. Assistant lang ako. Buset! Hahaha… Pero okay lang kasi dito ko rin napatunayan na “everything happens for a reason”. You’ll find out why mamaya.
16 years old.
*Yahoo! SENIORS na kami! Ina-Ate at Kuya, ginagalang, SINASALUDUHAN ng mga lower classman, kinatatakutan at siyempre, ina-idolize! Haha.
*SCOUTING ULIT! Hehe… Officer na kasi ako diba, and ayun nga, sobrang minahal ko yung troop na binigay sa amin ng SPL ko na si Querubin. Huhu… Miss ko ng tawaging “ Ma’am Gee Ahne” or “ Ma’am Gee”.. Miss ko na ang TROOP AGILA… ANg trrop ng mga dancers. hehehe… yung CAMPFIRE, at siyempre, yung mga batang hinawakan namin…. Awww… Halos ditto umikot yung 4th year life ko.
* Unang seryosong conflict ng barkada… Halos buong year namin kinalimutan na 102901 kami and nung PROM lang ulit kami nabuo. Until now ay nanghihinayang kami sa panahong nasayang pero okay lang kasi nagkikita pa nmn kami although hindi kami mabuo madalas…
* A WHOLE NEW WORLD… haha… Unang duet ko w/ JM… Medyo napahiya kami dito… Hindi ko talaga makakalimutan ito! Buset! Haha…
* 2nd Major Disappointment… Hindi ako nakapasa ng UP Diliman… hayyy… iniyakan ko ito.
* PROM! Waaaaaaaaah! Memorable yung first and last dance ko. First dance ko yung first crush ko sa highschool na medyo labteam ko… hehehe… Yung Last dance naman, medyo madrama kasi yung BUDDY ko nung 3rd year sa scouting eh nagdadrama… Sorry daw sa pagkukulang niya sa patrol…
heheh… Memorable yung PROM, lalo na yung post party kina Joan… hayyy…
* Pumanaw si Tito Jun… Sadness… Isa siya sa nag alaga sa amin ng kapatid ko noong cute na kids pa lang kami at sobrang sakit kasi biglaan siyang nawala. Hindi man lang kami nakaganti ng kapatid ko sa mga nagawa niya sa amin.
* First TRAUMATIC experience… ask me privately kung naiintriga man kayo kung anu yan!
* RIZALIANS BATCH 2003-2004. Proud ako dahil kabilang ako sa salang-sala na section na ito. Akthough super endless ang mga dramatic na open-forums namin, masaya parin kami in the end…
* GRADUATION and PARTIES… Nakakalungkot pero masaya… Miss ko na Rizal. Miss ko na ang ROOSEVELT CAINTA!
17 years old.
* Astig! COLLEGE na ako! Hay, sa La Consolacion College de Manila muna ako. All girls. Medyo boring kasi walang papables… Charing!
* LRT line 2. Masayang-masaya ako kapag nakakakita ako ng classmate or even schoolmate dito.
* LCCM CHORALE. Yeah! Astig kami, kahit all girls… Magaling ang Maestro namin na si maestro Alfredo Buenaventura.
*DARK AGE. Yup! I consider this as my dark age! Lahat ng aspeto ng buhay ko ay may problem. Ito yung point na medyo SUICIDAL ako at wala akong ginagalang na tao. Pero ito din yung point na sobrang kumapit ako sa pamilya ko at kay GOD.
* Pumanaw na din si Dada. Lung Cancer. Kaka-depress. Hindi man ako naging ganoon kabuti na apo for him, I hope na during his last days, naramdaman niya na mahal na mahal ko siya.
* Dito ako na-spoil sa TUNAY na gimik.
18 years old
* Year kung saan eh maraming debut parties akong na-attendan and xempz, nagdebut rin ako! Hehe…
* COTTILION KO! Waaah! Kaiyak! Hehe… Nakakatuwa kasi, hindi naman kami dancers lahat pero ginawa nilang lahat ang kanilang makakaya upang magmukhang katanggap-tanggap ang pagsayaw nila for me… Plus the fact pa na hindi naman sila solid na magkakakilala…
* My COTTILION SIDELINE. Yeah! Kumita din ako dito! Haha… Masaya ito. First time kong mag-doxology. Miss ko na ang COTILLION friends ko. Kahit majority sa kanila eh younger sa akin, because of them, feeling ko eh HS parin ako! Haha.. nakikipag laro sa swing, nagpapa husayan sa pag creep walk, naghahabulan.! My gas! Nakakahiya pala… Ang tanda ko na eh. 18? Hahaha…
*YEY! UP DILIMAN NA AKO! Hehehe.. Ang saya! Ang saya saya! Xemps at first, medyo ALONA ALLEGRE ako… buti na lang at nakilala ko sina JOY AT RACHEL at pumayag silang maki-epal ako sa kanilang pagkakaibigan… haha.. At Buti na lang din at hinatak nila ako sa UP FLIPP kundi, siguro walang kwenta ang social life ko sa college at forever na akong didikit sa HS friends ko… hehe
* Hmmm… 3rd MAJOR disappointment: may kinalaman sa LABLAYP… hehe… basta un nay un!
19 years old
* 2nd year ko sa UP and sobrang na-eenjoy ko na ang college life ko. Thanx to UP FLIPP, kay JUNABEL hehe, sa ibang classmates ko, sa masasaya kong P.E. at sa UP Theta Epsilon Sorority.
* Yes, sorority girl na ako, and I’m so proud of being one! Plus the fact na magaganda lahat ng sisses ko. Panalo! Haha…
* Maraming CONFUSION ang dumating sa akin, to the point na nawawalan na ako ng tiwala sa sarili ko. Feeling ko kasi minsan, ang bobo-bobo ko… hehe…
*Pinoy BIG BROTHER FANTASY GAME… Isang virtual game w/ the concept of PBB. Hindi rin magkakakilala ang mga Virtual housemates and may eviction din. Iba-ibang age, iba ibang status ng pamumuhay… Oh well, di ko pwedeng alisin ito sa chapter ng teenage life ko dahil marami akong natutunan dito from BBK ( the host), my co-virtual housemates, from the tasks and ofcourse, from my self. Di ko akalaing I’ll gain REAL friends from here lalo na nung nag-Eyeball kami… Ang saya!
* IN LOVE ako sa mga natitirang sandali ng aking teenage life… hehehe
Ayun! Ang haba! Haha… Ang sarap mag reminisce! hayyy… life oh life… Hindi ko parin feel na magiging 20 na ako… I don’t feel matured… hehe… basta, life goes on…














HAPPY BIRTHDAY!!!
wish ko ang isang maligaya, masaya, happy, ecstatic at wholesome na kaarawan para sa iyo… pero kung senswal… mas masaya yun!
oohh.. hehe.. haberdey! kelan libre?
Wala ako masabi! Andaming details, ahaha! Nakasulat ba ito or nasa puso mo lang? naks..
Naku Gee, believe me, graduating from teenage years is no big deal, haha! 20 is just a number. Just because may +1 sa age mo, doesnt mean na bigla ka nang matured. Teka, pangit ang dating. haha! ang ibig kong sabihin, Slowly but surely, magmamature ka, hindi mo man mamamalayan, hehe.
@ billycoy>>> maraming thanx! hehe… sana nga senswal… i ilike it! ahhaha
@ nightfox>>> kelan nga ba? haha
@ kuya rex>>> hindi nakasulat un, nasa heart ko lang iyon… hehehe… salamat sa iyong nakaka-iyak na message… i miss you na po… waaahhh…
[...] I’ll be Twenteen!!! Greet me! Greet me! « **::These are my confessions…::** [...]
[...] I’ll be Twenteen!!! Greet me! Greet me! « **::These are my confessions…::** [...]
sounds like a rocky ride down the memory lane, ha. :))
so sa La Consolacion ka pala dati, then you transferred to UP. Kewl. It’s like reading History. At least kilala na kita with that fact.
Hmmm. Ako man, medyo nadisappoint nung hindi ako nakapasang UP Diliman, but apparently - nawala na yun since nahumaling ako sa elbi. Nyahaha!
Saya ng teenage life no? So far, wala pa naman akong regrets sa pagiging teenager. Hehe.
Daan!
erotic birthday to you sis!!! muahaha!
well, i’ve been out of the circualtion for quite some time, but still, i want to greet you!
it doesn’t matter actually kung mag add up ng age, as long as you do savor every omemnt of it! lalo pa ngayon na you have someone so special and of course, someone you can call your own! nekenemen! pag ibig!
basta, nag enjoy ka naman sa iyong teenage life, basta CONTINUE ON LIVING! yan lang!
halabshu sis! and miss yah!
hapi bday. huwaw. may timeline pa talaga. now, i know kung anu iyong nakakatrauma na un. loko un a. gusto mo bugbugin natin?
@ utakgago >>> thanx! naks… kakatats naman… anyway, masaya nga daw jan sa LB… marami akong HS friends na nag UPLB. Sabi nila before, magta-transfer daw sila sa diliman pero hindi na nila ginawa kasi masaya na daw sila doon… hehe…
@ate mats>>> thanx din! miss na kita subrah… hehe… sana one of this days, bonding nmn tayo… hehe
@baylon>>> hahaha… cge, pabugbog naman! haha… joke… napatawad ko naman na siya dahil nag-sorry na eh… hehehe
nagdaan din… happy belated bday ahehehe
haba ng timeline mo!